Saturday, October 10, 2015

ALAALA NG LUMIPAS NA PAGIBIG - ang pagbabalik tanaw

Kinalkal ko ang luma kong blog na di ko nagawang ishare kung kanino man, ito ang aking natunghayan. Isang post nung July 17, 2008.

NAKITA KO ANG ATING LUMANG LITRATO,
NAKASABIT SA GULA-GULANIT KONG KALENDARYO.
KUHA SA ILALIM NG PUNONG KAIMITO,
HABANG AKO'Y KINUKUHANAN MO NG KUTO.

NAAALALA MO PA BA?!
ANG ATING PAMAMASYAL SA LUNETA?
NOONG BIGLANG MATAE KA,
AT WALA TAYONG MAHANAP NA KUBETA.

KAY SARAP BALIK BALIKAN,
ALAALA NG PANAHONG PINAGSALUHAN.
LALO NA NUNG TAYO AY NAGHAHABULAN,
NADAPA KA, GUMULONG GULONG SA PUTIKAN.

KAY SARAP SARIWAIN,
MGA ORAS NA PINAGSALUHAN NATIN,
NOONG SINABI MONG AABUTIN MO ANG BITUIN,
NGUNIT IKA'Y NAHULOG MULA SA BUBONG NAMIN.

NOONG IKAPITO,
NUWAN NG AGOSTO,
NAG-ABOT KA SA AKIN NG REGALO,
PANYONG MINANA MO PA SA IYONG LOLO.

NAPAKASWEET MO TALAGA,
OH AKING SINTA!
NAG-ABALA KA PA,
BAKA PAGALITAN KA NG IYONG LOLA.

NAAALALA KO, SA SINE AKO'Y SINAMA,
NANOOD TAYO NG PELIKULA NI VILMA.
NANGINIG KA AT PINAGPAWISAN NG SOBRA,
BIGLA NA LANG, NALAGLAG KA SA SILYA.

DI KO ALAM ANG AKING GAGAWIN,
IKAW PALA AY MAY TAKOT SA DILIM.
HINILA KITA PARA MAKASAGAP NG SARIWANG HANGIN,
MATA NG LAHAT, SA ATIN NAKATINGIN.

IROG KONG MINAMAHAL,
MARANGAL AT MAGITING KONG KAWAL.
BIGAY KA NG DIYOS NA MAYKAPAL,
ISA KANG ANGHEL NA NAHULOG SA KANAL.

KAY DAMI NA NATING PINAGDAANAN,
GILIW, BAKIT MO AKO NAGAWANG IWANAN?
DI PA BA SAPAT ANG ATING PAGMAMAHALAN?
BAKIT MO PA KAILANGANG LUMISAN?

Kalye Kronikels 2 - Ang Alamat ng Kolehiyo - Imahe ng Edukasyon sa Makabagong Panahon

(Pasintabi po, medyo censored.)

Rush hour ulit.
Siksikan sa jeep.
Usapan ng katabi di maiwasang maulinigan.
4 na Estudyante, naghaharutan, chismosa kong tenga nakinig naman.

Boy 1:  Naku, finals na malapit na eviction. Sino kaya makakasama? Kasama na ata ako.
Boy 2: Ano kayang gagawin natin kay Sir A? Di pa naman nakukuha sa pakiusap yun.
Boy 1: Si Sir B, inaya ako (sex). Bahala na. Si Classmates 1 and 2 pumayag eh kaya kampante na sila.
Boy 2: Si Sir C din kaya. Ganun lang katapat, ok na. Sigurado ka nang papasa.
Girl 1: Si Sir D, paglabas ng klase sabi sakin blowjob lang ok na.
Girl 2: Talaga? Balita nga pero diba papatulan mo ba yun? Ok sana kung si Sir E. Ang cute eh.
Boy 2: Si Prof 4 and 5 "Otabs" lang solb na. Sabi ni Classmate, inaya lang daw nila mag-inom tas Otabs, close close na sila.
Girl 2: Anong Otabs?
Boy 1: Binulong kay Girl 2.
Girl 1: Kaya pala si Prof 4 parang laging bangag sa klase, bangag pala talaga yun.

Nagising ang tulog kong diwa. Gusto kong sumabat at tanungin sila kung san sila nag-aaral. Punyemas! Kung ganyan na ang mentalidad ng mga estduyante ngayon, kamusta na ang sabi ni Rizal na ang "Kabataan ang Pag-asa ng bayan."

Tang-inis! Kung ang mga guro na syang tatayong pangalawang magulang, ang mga inaasahang maghubog sa mga "pag-asa ng bayan" ganyan ang ginagawa, ano na nalang mangyayari sa bansa? Lecheng corruption yan! Punyetang sistema! Kanser na na kinain ang lipunan, kinain na pati ang ugat kaya wala na tayong matinong bunga.

Pasintabi sa matitinong guro! I salute you! 

Sa mga gantong uri ng nilalang, dapat sila ang pinapaslang sa Luneta. Pinapasagasaan ng bulldozer at kapag pinung-pino na ihahalo sa sisig at ipapakain sa mga hayop sa Manila Zoo.

Reklamo tayo ng reklamo ng kawalan ng trabaho, mababang kalidad ng edukasyon, mahinang uri ng manggagawa, gising gising din tayo! Gawan natin ng paraan. Wag tayong pumayag sa ganitong uri ng katarantaduhan! Ang dami nating graduates, professionals daw pero di makanap ng trabaho, paano naman kasi wala namang alam. Nakagraduate lang pala dahil pumayag na sumubo ng etits ni prof. Eh di magkakatrabaho rin lang yan dahil papayag na maging kabit ni Boss? Punyemas! 

Gising gising din po. Mahilig na tayo sa instant. Ayaw na ng makabagong pilipino ang pinaghihirapan, gusto lahat "just add hot water lang", gusto sa isang pindot, solve ang lahat. Hindi po ganyan, matuto po tayong magtiis, magsikap at magtrabaho! Kung akala mo lahat nakukuha sa isang pindot, nagkakamali ka! Dugo't pawis ang pinupuhunan para maabot ang mga pangarap. Kung nakarating ka sa rurok ng tagumpay na di man lang pinagpawisan, mag-isip isip ka uy, baka isa ka din sa ipapabaril sa Luneta.

Kalye Kronikels 1 - Dumbo ang mahiwagang Elepante

Rush hour, punuan ang mga jeep, nag-uunahan ang mga pasaherong gustong-gusto ng makauwi. Isang malaking pagsubok ang makakuha ng jeep na masasakyan. Nanlalata na'ko ng makasakay ako ng jeep pa Avenida. Ang sarap ng pakiramdam ng makaupo na. Lumuwag ang jeep paglipas ng ilang kanto, may bumabang mga estudyante, nakahinga ako ng maluwag, naka-upo akong mabuti.

Ngunit, subalit, datapwa't sumakay ang isang yayamaning babae na, pakiware ko ba'y modelo ng christmas tree sa dami ng abubot sa katawan. Isiniksik ang malaki nyang balakang katabi ko, di nya siguro napansin na maluwag sa kabila. Papatawarin ko na sana si dumbo nang bigla syang tumagilid, nilapag ang malaking shoulder bag sa hita nya at nagkakakalkal ng mga kayamanan. Hala! Di ba naiisip ni ateng na makipot na ang jeep at nakakatama na yung malaposte nyang braso? Di pa nakuntento, nagreklamo pa na masikip at mainit. Hala! Ang sarap batukan ni ate, habang napipitpit ako na parang lata ng sardinas, sya naman panay ang hanap ng kumportableng pwesto.

May mga tao lang talagang insensitive sa isip isip ko. Sarili lang ang iniisip. Nag-iinarte ayaw naman gumastos para naman sana naging kumportable. Parang Pilipinas lang, ang daming reklamo pero sunod naman ng sunod sa sistema.