Wednesday, April 19, 2017

DIY Osmeña Peak Dayhike for first timers + Simala Shrine

DIY Hiking Osmena Peak in Dalaguete Cebu
OSMENA PEAK




Osmena peak ang pinakamataas na lugar sa buong probinsya ng Cebu. Nakatayo ito sa taas na 1,013+ masl ayon sa www.pinoymountaineer.com. Nakakatuwang isipin na bagamat ito ang pinakamataas na bahagi ng Cebu, ito daw ang pinakaadaling akyatin. Trulala! (Kahit di ko pa naakyat ang iba.) Balik sa chika, ang Osmeña Peak o O Peak ay matatagpuan sa Mantalungon, sa bayan ng Dalaguete, Cebu. Ito ang tinaguriang “Little Baguio of Cebu” tsaka “Vegetable Basket of the South”. Di ko na siguro kailangan pahabain kung bakit ganun ang palayaw nya. J

Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak akyatin sya pero dahil pupunta ako ng Monastery of the Holy Eucharist, at isang bayan lang ang pagitan nila, sinamantala ko na ang pagkakataon. Nagbasa-basa ng blogs, nagtanong-tanong at nakipagsapalaran.

Ang eksena : 4AM nag-abang na ng jeep papuntang South Bus Terminal kaso inamag na ako wala pa ring dumaan na may bakante. Siksik, liglig at umaapaw ang mga jeep. Naisipan ko nalang lakarin, mula JV Tower papuntang terminal, mga 20 minutes lang naman sa tantya ko, kaso madilim bes, nashokot ang lola nyo kaya nagtaxi nalang ako. 

Paano puntahan:

  • Mula South Bus Terminal sumakay ng bus na biyaheng Dalaguete; travel time 2-3 hours, mas mabilis kapag maaga.
  •   Mas masarap magbyahe sa Ordinary bus kapag madaling araw, malamig, masarap sa pakiramdam ang hangin. Baka kuripot lang talaga ako. 100 pesoses lang ang pamasahe. Sabi sa ibang blogs 107 o 170 ang aircon.
  • Sabihin sa konduktor na ibaba sa Dalaguete Junction. Or sabihin mo pa Osmena peak ka, alam na nila yun.
  • You can’t miss the junction, magsisigaw na ang konduktor bago huminto. Pero para makasiguro ka, after sya ng julie’s, before 7eleven, sa tapat ng Maria’s Batchoy.
  • May mga habal-habal na sa junction ang pamasahe 200php/way. Kung dalawa kayo, Tig 200 kayo sa junction-jumpoff-junction pero pagsolo flight ka, 400php sya junction-jumpoff-junction. Walang tawad bes. Kaya wag kalimutan magsama ng friendship. J Mula sa junction mga 30-45 minutes na byahe sa habal-habal. Kung nagtitipid at di nagmamadali, pwede naman siguro maglakad.
  • Mula sa junction mga 20-30 minutong lakaran nalang nasa summit na. Kaso kapag maulan, maputik; mahirap humakbang. Dalawang hakbang pasulong, isang hakbang paurong ang drama mo. Pero don’t worry, may nagpaparent ng rubber boots dun. 20php per pair ata, wag makunat, at least di ka mapuputikan. Wag ako tularan. J
  •  Less than 5 minutes na lakad mula sa jumpoff, madadaanan ang Registration Area. Dumaan, wag echusera, magbayad ng environmental fee. 30php

Mga naunang hikers (Di sila kuripot, nagrent sila ng bota.)

Ang kwento ng aking pag-akyat:

Mantalongon Road, nasa paligid nyan ang bahay kubo ng Dalaguete
  • Kapag solo ka, ang nakakatakot/ exciting na part eh yung paano mo tutuntunin ang daan. Sa O-peak, may mga nag-aalok pala na mag-guide, di ko alam kung magkano. Di na ako nagtanung-tanong. Wala naman daw ligaw. Isang padiretso lang kaya di ko na pinatulan ang alok. (Nagtitipid lang talaga ako.) J
Outpost kung saan nagpaparegister

  • Dahil weekday ako umakyat, iilan lang ang nakasalubong ko. Karamihan galing Manila, mga nag South Tour. 2-3 groups ata. Tas may 1 solo backpacker galing Antipolo. (Hi pala kay Ma’am).

  • Sakto lang pagdating ko ng summit, pababa na yung last group. Solong solo ko ang summit ng Osmena Peak. Ang sarap sa pakiramdam. Nakalimutan ko magpicture sa sobrang ganda ng tanawin.

  • Sobrang lakas ng hangin nung nandun ako, nakakadagdag sa lamig ng paligid.
  • Dumating ang aso na ‘to. Sinamahan ako mag emote kaso mas emotero pa sya. J

  • After more than 30 minutes na pagmumuni-muni, may dumating na panibagong grupo. Naisipan kong bumaba na.


Ang sumunod na kabanata:

Past 8AM nasa Dalaguete Junction na ako. Nilinis ko muna ang aking sneakers na nilamon na ng putik. Tsk! Nanghinayang kasi sa bente. :D Dahil TomJones na ang lola nyo, dumaan muna ako sa Maria’s Batchoy para sa isang masarap na almusal. Saktong sakto ang mainit na sabaw sa nilalamig kong damdamin, este sikmura pala.



Ang byahe patungong Simala:

Mula sa Maria’s Batchoy, lakad lang ng kaunti andun na ang “Bus Stop”, may shed naman at upuan kaya keri lang mag-antay. Pagkalipas ng ilang minuto, may dumaang bus pa Cebu City, naka-alis din ako.
·         Travel time from Dalaguete – Simala, approx. 1 hour, Fare:35php (Ordinary)
·         Note:
1.       Pwedeng sumakay ng bus na pa Sibonga, Carcar or Cebu City. Wag po yung biyaheng Argao.
2.       Masarap matulog kaso malikot ang bus, maraming paliko kaya mas mainam i-enjoy nalang ang view.
·         From Simala Junction, may habal-habal paakyat ng Shrine, 40php (two-way), susunduin ka nila. Nagbibigay sila ng contact number, magtetext ka lang pag magpapasundo ka na.

SIMALA SHRINE




Ang Monastery of the Holy Eucharist o mas kilala sa tawag na Simala Shrine ay makikita sa Lindogon Hills, sa barangay Simala, bayan ng Sibonga, probinsya ng Cebu. Dinadayo ito ng mga debotong Katoliko dahil sa ito ay pinaniniwalanag mapaghimala. Sa katunayan, sa mga display shelves sa loob ng simbahan, makikita ang iba’t-ibang testimonya/pagpapatoo ng mga deboto; may mga gumaling sa karamdaman, natupad ang panalangin, nakasaksi ng himala, etc.



Biyahe pabalik ng Cebu City:


Pabalik ng Cebu City, pwedeng magpahatid sa driver sa paradahan ng Van, malapit lang sya sa Shrine. Pwedeng lakarin, magtanong-tanong nalang. Mula sa Simala hanggang Cebu City Downtown, 100php lang ang pamasahe. Approx 1-1.5 hours lang ang biyahe, mas mabilis kaysa magbus. SRP na ang daan, pwedeng magpababa sa SM Seaside City. J


Wednesday, April 5, 2017

Daan patungo sa #Project81

Habang tinatamad sa buhay, nakita ko 'tong interactive map na 'to. Pangarap ko naman talaga ang malibot ang ating bansang sinilangan. Mahirap bes, magastos, kailangan ng pera at panahon. 



.

Sa ayon, C+ daw ang grade ko, pasang awa kung sa school. 

Grade
Grade Point Equivalent
Percentage Equivalent
A4.093.0-100.0
A-3.790.0-92.9
B+3.387.1-89.9
B3.083.0-87.0
B-2.780.0-82.9
C+2.377.1-79.9
C
2.0
73.0-77.0
C-1.770.0-72.9
D+1.367.1-69.9
D1.060.0-67.0
F0.0below 60.0

Marami pa akong bigas na kakainin. Di ko pa man lang nagagalaw ang Mindano. Push lang ng push malay natin, someday! :)